Mahirap masaktan lalo na kung alam mong wala kang pwedeng pagsabihan nun kasi hindi nila maiintindihan. Magtataka lang sila kung anong isyu mo. Pero hindi nila maiintindihan yun kasi nga hindi sila IKAW.
Sana nga manhid na lang ako at walang pakialam. Para hindi ako apektado. Para hindi ako iiyak. Para hindi na ako magmukhang tanga, lalo na sa mga tao sa paligid mo na mas marami pang alam sa mga nangyayari kaysa sa atin. Kung ganun lang kadali magpaliwanag, gagawin ko naman eh. Pero mas pinipili kong wag na lang magsalita.
Mahirap pag may nalalaman kang mga bagay.. yung mga bagay na pilit tinatago sa'yo. Mga bagay na ayaw sabihin, ayaw malaman mo. Pero nararamdaman mo lang. Di na kailangan magpaliwanag pa. Ang masama nga lang, yang mga bagay na yan ang nakakapagpaiyak sa'yo. At pag dumating ang pagkakataon na may gusto nang humingi ng explanasyon, wala kang maibigay.
Kasi hindi mo alam. NARARAMDAMAN MO LANG. Kaya malamang, walang paliwanag. Ang hirap makaramdam. Makaramdam ng mga bagay na alam mong hindi dapat. At mga bagay na alam mong hinding-hindi pa o hinding-hindi kailanman mararamdaman ng iba. Kaya sana...
Sana..