i do not know anymore
hindi ko na talaga alam. minsan ang dami kong gustong sabihin. sa blog ko. sa friends ko. sa best friends ko. sa family ko. sa iyo, sa iyo at sa iyo rin. pero pag dumating sa punto na kailangan ko na harapin yung tao, magsalita at magpaliwanag --- WALA, BLANKO.
kahit gaano ko gustong ipaintindi sa iba yung nararamdaman ko, hindi sapat ang mga salitang binubuo ko sa isip ko. at alam ko na pag lumabas lang sila sa bibig ko, mas maguguluhan lang kami lahat.
mas maganda nga ata na wala na lang akong nararamdaman. para wala nang masabi ang iba. para wala na akong pakialam - sa ganun, hindi na akong matatawag na "pakialamera".
nasan nga ba ang pagkakaiba sa "genuine concern" sa pagiging isang pakialamera? kasi ako, i usually care about the person when i nag him/her about something. or if whatever, kung affected man ako sa mga issues niya sa buhay niya. pero kelan ka nagc-cross ng line? kelan ka nagiging pakialamera?
sana hindi na lang kasi ako mashadong sensitive, to the point na i feel/care about others too much. eh di pag ganun, hindi na ko mag-iisip. hindi na ko makakaramdam ng kung ano. at hindi ko na dapat itago kung ano man yung gusto kong sabihin - kasi wala na nga. diba?
magulo. pero yun ako eh.