NOBODY KNOWS IT BUT ME
sabi ni ada, mula sa likha ni carlo vergara na "zsa zsa zaturnnah", may mga bagay na nangyayari na lang. tapos. hindi na mahalaga kung anong dahilan o kung bakit nangyari, basta ganun na lang eh. mahirap man tanggapin, yun ang katotohanan eh. may mga bagay na hindi mo maiwasan.. nangyayari at hindi mo maipaliwanag kung bakit.
tulad ko, may mga bagay sa buhay ko..lalo na sa panahong ito na hindi ko maipaliwanag. may mga bagay na gusto kong gawin, hindi ko magawa. may mga bagay na hindi ko ninanais mangyari, pero hindi ko napigilan..
ngayon, pakiramdam ko hindi ko na kilala kung sino ako.. o kung sino man ang kinalabasan ng taong AKO ngayon. hindi ko alam kung bakit. madami akong mga tanong, pero wala talaga akong makuhang mga sagot.
minsan pakiramdam ko walang saysay buhay ko. pakiramdam ko walang purpose ang araw-araw kong buhay at napaka-walang kwenta ko. hindi ko rin maintindihan..gusto kong ipakita sa mga tao na may kwenta ako.. na may kaya akong patunayan. pero paano ko gagawin un kung kahit ako hindi naniniwala sa kung sino ako?
isang buwan na ako tumigil sa paghahanap ng trabaho. gusto kong hanapin ang sarili ko. pero habang tumatagal, hindi ako natutuwa at hindi maganda nararamdaman ko sa sarili ko. parang minsan walang saysay lahat ng nagawa ko nun nakaraan.. lalo na pag-aaral ko. hindi ko alam kung sapat yun lahat ng pinagdaanan ko para may mapatunayan nga ako sa iba. sa pag-ibig daw hindi importante kung anong nagawa mo o nangyari sa'yo sa iyong nakaraan - mas importante ang ngayon. ganun din ba sa buhay? wala kasing binatbat yung kasalukuyan ko sa nakaraan. lalo na siguro sa kalagayan ko ngayon.
walang nakakaalam ng mga saloobin ko. marahil hindi ko pa kasi ma-open sa iba dahil hindi ko rin maintindihan sarili ko. o kaya masyadong busy lang din ang ibang tao at ayokong maging intindihan. pero alam niyo, may isang maliit na parte ng sarili ko na iniisip na SANA may lumapit sa akin para itanong kung bakit. kahit pakinggan lang akong umiyak. yung tipong ganun. hindi ko naman klngan ng taong sasagot ng mga tanong sa isip ko.. klngan ko lang ng taong ANDYAN.
kaso wala e. busy. ako ren busy.. kakaiyak.
hindi ko na alam. walang nakakaalam. ntatakot ako kasi baka kahit ako hindi ko na makilala sarili ko sa dulo.